Tuesday, February 12, 2008

Two Unforgettable Bondings in a Day

(It may be late to write this entry but I still want to put it here.)
Feb. 01, 2008. A busy day for me. Busy sa work but I still have these 2 unforgettable bondings with my officemates sa unang araw ng Buwan ng mga Puso. Hmmm, "love is in the air" ika nga sa ganitong buwan. Pero sa panahong ito, indi ganun ang nangyayari. Coz, that day, I witnessed some relationships had broken. That day, I've done my calling before the two main events happened. I missed to do it but God gave the tasks to me again.

2:30 PM, @ Starbucks sa tapat ng Podium.
It was only 30min after I have taken my lunch but my officemate asked me to take a break. Eto ang pangalawang beses na nagpunta kami ni Frangy sa coffee shops to share stories and burdens to each other. I would not tell the details ng mga pinag-usapan nmen kc magmumukha na namang nobela ang entry ko. Hahaha! Eh knowing the readers, tamad magbasa ng mahahabang entry lalo pa't d nmn comedy at nakakatawa ung nakasulat. Salamat sa walang sawang pagtitiwala kaibigan. Echoz! Kahit magastos magkaproblema pero talagang mas ok mag-usap sa coffee shop(pasimpleng pagpromote sa mga coffee shops hahaha!). Yaan mo next time ako naman ang taya. Pramis yan at walang halong eklavu! Hahaha!
ang mga piping kaibigang nakinig sa amin sa loob ng isa't kalahating oras

6:45 PM @ SM Megamall Cinema 11. Ako, Jheng at Jho ay nagkasundong manood ng P.S I Love You starring Hilary Swank and Gerard Butler. Bihira po ako manood ng English movies lalo pa pag indi cartoons. Pero dat tym na-engganyo akong manood kc
  • never pa tlga ako nagkaron ng all-girls bonding simula nung naging kami ni Bert(as if nmn bago naging kami may mga ganitong event hahaha!)
  • mejo tinopak pa ako ng konti kc nga d ako susunduin ni Bert. So para mawala paghihimutok ko kelangan ko idivert ang aking atensyon.
  • maxado kaming nahook sa trailer at sa mga reviews sa movie lalo pa sa phrase na to "sa mga manonood wag kau magdadala ng panyo, twalya dapat kc sobrang nakakaiyak ang movie" (d yan ung exact words basta ganyan) at nacurious nmn ang mga lola
ayan nasa loob na kami. Nung una mejo boring pero nung namatay na si Gerard Butler, ayan na bumalong na ang napakadaming luha sa mata namin. Na tipong nauuna pang bumagsak bago pa makadampi ang panyo skeng pisngi.

Singhot!!! (yan lagi maririnig mo smen tatlo)

Ito tlga ang movie na nagpapatunay na mali ang phrase na "Till death do us part". Sino ba d mapapraning kng patay na ung asawa mo pero sa loob ng isang taon may letters ka natatanggap mula sa kanya para mapaayos at matanggap mo ang pagkamatay nya. Ayan natapos na ang movie, black screen na at bukas na ang ilaw sa loob ng sinehan pero d pa rin kmi umaalis sa upuan. Iyak pa rin, punas ng luha sa kaliwa't kanan, tatawanan nmen ang isa't isa habang mabilis na dumadaloy smeng mga pisngi ang masaganang luha. Mukha kaming baliw! Hahaha!
at eto ang resulta ng panonood ng P.S I Love You(tngnan nyo ang aming mga mata)

2 comments:

  1. Ano po ang pinakamasarap na coffee sa Starbucks? Sorry po sa stupid question, I am just wondering.

    ReplyDelete
  2. hmmm, d ko alam kng ano pinakamasarap na coffee sa starbucks pero mas madalas akong um-order nung white chocolate mocha tsaka mga tea latte except green tea latte kc unang mukha xang lumot...tsaka indi ko gus2 tlga lasa...hehehe!

    ReplyDelete