Wednesday, June 25, 2008

Happy Birthday Ruby!

Iyo sanang pagdamutan ang mumunti kong nakayanan sa iyong kaarawan. Simple at minadali ko lamang po yan kaya sana magustuhan mo kahit papano. Di ako sing-galing mo sa scrapping kaya eto na lang ang gift ko sau.



God bless and more birthdays to come. Ui sino may palm card jan? Pahiramin si Ruby. Hihihi! peace! =p Happy Birthday Mama Rubz! Muah!

P.S Salamat sa gumawa nung ginamit ko sa huling pinakita sa video.

Thursday, June 19, 2008

2008: Mid-Year Check

It's been half a year since I made a list of my plans and goals this 2008. See my "Bye 2007, Hello 2008" blog. I've been busy this year but suddenly, checking the status of my New Year's resolution, popped into my mind. So while compiling and testing the source codes, I write this blog.

Ano na nga ba nangyari sa mga nilista kong TODOs? May natupad ba, matutupad pa lang or malabong matupad this year. Hmmmmmmmmmmmmm...

  1. Save money and spend salary wisely. Aba in "fairview", may kakarampot na laman pa naman ang savings ko. Hahaha! Mas mabuti na yun kesa naman sa wala. So ang tanong tumutupad ba ako o hindi? D ko alam, andami ko excuses at ayoko na isa-isahin. Pero sabi nga sa Cosmo magazine na binigay ni Frangy, "Don't make your expenses as an excuse why you can't save. If you want to save money, then do it."
  2. Look for a new apartment for the family. Cge look lang ha. Nagawa ko naman pero walang magkasya sa budget eh. Ang mamahal ng mga paupahang bahay parang may mga ginto sa loob. Hahaha! So sad to say, eto ay hindi naman.
  3. Apply for a housing loan. My ultimate material goal in life is to have a house and lot that I can call mine/ours. I have tried to achieve this goal and realized, it is impossible to do it this year. Oh no wala pa akong natutupad na goal this year. Sana yung next oo na.
  4. Career Growth. Yehey! 100% yes ako dito. Whew! May isa na. Wot! Wot! Salamat sa Diyos. Sana magtuluy-tuloy. I believe most of my friends can relate to it. Maybe it's our year tlga.
  5. Not so demanding girlfriend. Well, I know tinutupad ko to...di ba Bert? *wink*
  6. 1-week vacation in Bikol. Nakauwi nga ako ng Bikol kaso 4days lang ako dun eh. Nakapag-attend ng graduation ni Dimple. Cge pwede na rin kahit d 1 week. Kunsabagay kng isasama ung travel hours plus SL ko, 1 week na un.
  7. Go to Bohol OR Palawan AND outing with Berks. Partly yes etong item na to. Last May 8-12, we went to Palawan. Mahigit isang buwan na pala nakakalipas. Partly no naman kc di kami nagkaron ng outing ng BERKS.
  8. Improve my relationship with God and trust Him all the time. Oooops! Tinamaan ako bigla. Sorry po if sometimes i worry too much at nawawalan ako ng tiwala. Oh no! May indi na nmn ako tinutupad...4 na...
  9. Try to be positive in all circumstances. Yeah i keep on trying to be positive lagi pero sometimes hinihila ako ng pagiging nega ko. Pero mostly nmn positibo nmn ako mag-isip.
  10. Lose weight. Malaking HINDI. hahaha! Although di tumataas ang weight ko pero di nababawasan. Kailangan na tlga magseryoso sa pagpapapayat. Pano naman sarap kumain eh.
So resulta...marami pa akong hindi nagagawa. Nakakalungkot kalahating taon na pero di ko pa nasisimulan ang ibang goals ko this year. Pero sobrang saya nmn ng marealize kong may mga natupad na rin sa mga TODOs ko...which means nadagdagan na nman ang blessings. Wot! Wot! Sabi nga you can't achieve it sa isang bagsakan lang. There is a right time for everything.


Monday, June 2, 2008

First Day "High"

Summer is over. Pasukan na naman. At ngayon ang first day ni Dimple as a BSIT freshman student ng Jose Rizal University. Yup. Finally she decided na sa JRU na lang sya mag-aaral. Why? Kc ang mahal at ang layo daw ng UE at di friendly ung aura para sa kanya nung CCP(Central Colleges of the Phils.)

Dimple and I, have experienced a lot of common things before and during our first day as a college student. Kaya alam ko kng gaano sya ka-high at kalutang nitong mga nakaraang araw especially ngayon kc ganun din ako dati or mas malala pa ako noon. Reasons?
  • You will start your new life in a total unfamiliar school na nung HS ka indi mo iisipin na may skul pala na ganun syempre ang alam lang ung top 4 universities.

  • Papasok ka sa isang university na wala ka man lang kakilala kahit isa except yung nakilala mo nung nag-enroll ka. Buti nga si Dimple ngaun may cellphone na so pwede na sila magkontakan ng new-found friend nya. Unlike me, mahilu-hilo na kakahanap kay Sid nung first day ng klase. My dear Sid is my very first friend in PUP.

  • Maraming tanong sa utak like, "ano ba gnagwa sa first day?", "ok kaya mga prof at classmates ko?", "mahirap kaya ang mga subjects?"...etc...etc

  • At sa gabi before ng pasukan, todo ayus na ng gamit, halos d alam kng ano mararamdaman. naiihi ba? natatae? d makatulog ng maayos. Hehehe! ganyan na ganyan kc si Dimple kagabi. Pati ako napuyat since nasa iisang kama lang kmi so bawat galaw nya nagigising ako. Ilang beses mo pa ireremind na. "RELAK LANG. Matulog ka na."

  • At sa mismong araw ng pasukan, kelangan may maghahatid kc indi alam ang sakayan at babaan. Ako dati isang linggo ako hinahatid ng tita ko papasok. Hahaha! Bobo ever sa direction. May time pa nga nung first tym ko pumasok mag-isa bumaba ako bago pa mag-PUP. Same with Dimple. Ngaun naman tatay nmen naghatid sa kanya. Gustuhin man niyang ate ang maghatid sa kanya eh no choice kc maaga pasok nmen.
I know na bago umalis si Dimple ng bahay sooper kinakabahan na sya kc wala sya kakilala, d alam ang mga rooms and mag-isa syang uuwi. Kahit na isang jeep at sandali lang ang byahe kahit papano natatakot sya. Idagdag pa ang sangkatutak na bilin mula sa amin, cno ang di mahahigh. And just an hour ago, nagtx sya sken saying hilung-hilo at napapagod na raw sya. First day pa lang. Hmmm, somewhat naprove ko na ang first day nung college ako ang isa sa mga college days na indi ko tlga malilimutan. I know na ganun din ang mangyayari kay Dimple. Hehehe! I just pray and hope na sana d sya magkamali sa pagpili ng mga kakaibiganin nya. Ganito pala ang feeling. Ngaun naiintindihan ko na si Tita Tonia dati kng bakit paranoid lagi nung unang taon ko sa PUP.

Kayo ba naaalala nyo pa ang first day nyo sa college? High as in napapahayyyyy din ba kayo nun? Hahaha!