Wala kc ako ginagawa ngayon kaya pinakinggan ko ung mga kanta nila. Thanks sa pagpapahiram ng cds at dahil sa'yo namiss ko tuloy ang F4. Naalala ko kc kng pano tumatakas dati nung trainee pa ako sa PUPILS(PUP Integrated Lab System) nung college para lang manood ng meteor garden. Rarason magmemeryenda pero half-truth naman kakain nmn tlaga ako sa kantin para makapanood ng meteor garden. Hahaha! si Jho makakarelate dito kc kasama ko sya dati.
Pagpunta ko sa cainta last FTO(july 5) andun pa ang mga posters ng F4 na binili ko dati at kahit ayaw ni tita nene ng mga dikit sa pader pinagdidikit ko pa rin. Buti na lang F4 fanatic si Tita Tonia at nagkaron ako ng kakampi. Ayun hanggang ngayon buhay pa sila kahit na mejo nagfifade na ang mga kulay. Yung mata ni Jerry Yan butas na buti na lang maayos pa si Vic Zhou.
Omaygas! I'm getting crazy again. Waaaaaah!!! Nalulungkot ako kc JVKV na name ng F4 ngayon at mukhang mawawala na ata sila lalo pa kinanta nila sa last album yung "Goodbye". Ang dating mga long hair...short hair na ngayon. Ang mga lalaking naging dahilan kung bakit hanggang ngayon adik na adik ako manood ng asianovela. Hahaha! Sino ba ang indi nabaliw sa kanila noon. Naman...I love their 3 albums(Meteor Rain,Fantasy Forever and Waiting For You). Nakaka-senti pakinggan kahit d ko naiintindihan napapakanta, nasesenti, naeemote, naiiyak(charot! pero half-truth)ako. Hahaha!
Wala lang naishare ko lang baka nga tuluyan akong mageemote dito pag di ko to sinulat. Hahaha! Just consider this as one of my crazy days. hehehe!
No comments:
Post a Comment