Wednesday, September 17, 2008

Kung kelan walang tubig, tsaka bumaha

How ironic noh?! Hayy ganito kc yun...

Once upon a time este kgabi pala pag-uwi ko ng 9pm sa bahay bumungad sken ang napakadumi at maraming hugasan sa lababo.

Papa: Walang tubig.
Ako: Ha? Kelan pa?
Mama: Alas dos. Nakapadlock yung tubig kc d daw nabayaran ng buo nung may-ari ung tubig.
Ako: Naman bakit di nyo ko tinex para sa opis na ako kumain at nagtutbrush/hilamos.
Mama: Wala kming load eh.


Ang hirap talga mawalan ng tubig...bakit?
  1. Pag wiwiwi walang panghugas. Buti na lang may wet wipes.
  2. Di makatae kc walang panghugas. Kahit may wet wipes pano naman ang pangbuhos sa inidoro.
  3. Di makapaghugas ng pinggan at lalong di makapagluto. Since d ako kumain bago umuwi, gutom ang inabot ko. Kaya ang pagtitipid ko nauwi sa chowking at dun pa kmi ni Dimple naghilamos. Hahaha!
  4. At ang malaking problema ay kung papano kami bukas. 4 kming pumapasok kahit katiting walang tubig. OMG!!!
Buti na lang nakiusap ang may-ari sa hipag nya na magsalok kmi ng tubig sa kanila. Eto si papa bitbit na ang isang balde at container ng mineral water na extra namen. Hayyy nakahinga kmi ng maluwag. Nakampante na kmi kahit papano kc may panligo na bukas.

Bog!

Habang nanonood kmi ni Ate ng "Juicy" ni Alex Gonzaga sa TV5, kumatok si Papa sa kwarto at pagbaba nmen, MY GAWD!!! baha!!! Ano nangyari...yun pala nalaglag ung isang container ng mineral at nabuhos lahat ng tubig. Ang kinalabasan:
  1. Naligo ang higaan nila Mama sa lapag. Ang banig basang basa.
  2. Ang mga wire naligo rin, d kmi nakagamit ng electric fan in short.
  3. Ang dvd ko...buti na lang water proof ang karton.
  4. Waaa! Basang basa ang lalagyan nmen ng damit pambahay. Buti na lang mahilig ako magsecure ng gamit ko. What I mean is nakalagay sa plastic bago ko nilagay sa bag na sako ung mga damit ko.
  5. Ang laundry basket tumutulo at maraming damit ang nabasa. Buti na lang pinaplastic ko ang mga puting damit bago ilagay sa laundry basket.
  6. Si Dimple na mahimbing na natutulog, nagising at tumulong na rin sa paglilinis.
  7. In short, 1pm-2:30am naglilinis kmi ng bahay.
  8. Andaming labahin, andaming patutuyuin...walang tubig.
  9. Ang baldeng dapat panligo ni Dimple, pinanghugas nmen sa paa at kamay dahil sa paglilinis. Baka mamaya nagsihawa na ang ihi ng ipis at daga sa mga kamay at paa namen.
Ang kagandahan lang sa nangyari is, nalinis ang kasuluksulukan ng maliit na bahay. Maliit lang pero sa dami kc ng gamit, ang hirap na linisin. Pagod ever. Zzzzzz

Kinabukasan, ang kawawang Dimple at Papa naghilamos ng kakarampot na tubig. At kmi naman ni ate ay napilitang mag-gym para dun na maligo. Wish ko lang mamaya pag-uwi ko, may tubig na. Pag wala pa rin...hay naku tlga...

Descrimination eklat!!! Grr!

Hay naku pasensya na kung dito ko maibubuhos ang inis ko sa BDO.

Akalain mo ba namang magdedeposit at magbabayad ako ng HSBC credit card inabot ako ng 30min sa teller. Gooolay!

Tapos na nya iprocess yung deposit ko then currently pinoprocess nya ung payment ko sa HSBC nang may dumating na mukhang mayaman na nakapormal na nagfafollow-up ng transaction na kung kelan man un wala na ako pakialam.

Iwanan ba ako ng teller at asikasuhin yun. Ayan ok lang kc sandali lang sya nawala. Pagbalik tuloy ng process. Tapos nagsalita na naman ang mayamang eklavu na yun na ituloy na daw. Walang niha-niho iniwan ako ng teller. At 20 minutes nawala.

Umiinit na ulo ko ggrrr! Tinitingnan ko na ng masama ung mayamang lalaking yun na kung nakakamatay ang tingin bumulagta na yun sa sahig. Nagtatanong na ako kng pwede ung isa na magtuloy ng process. Pero di daw pwede.

Ayan after mamuti ng mata ko at mangalay paa ko kakatayo anjan na sa wakas binalikan ako. My God! wala pang 2 minuto binigay na sken yung papel. Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo sabay nagtaray at kahit yung 2 guard sa pinto na nagsabi "Thank you mam" tiningnan ko ng masama.

Grrrr!!! Descrimination talaga nakakainis kahit kelan...Antayin nyo lang yumaman ako...gggrrrr tlga!!!