Once upon a time este kgabi pala pag-uwi ko ng 9pm sa bahay bumungad sken ang napakadumi at maraming hugasan sa lababo.
Papa: Walang tubig.
Ako: Ha? Kelan pa?
Mama: Alas dos. Nakapadlock yung tubig kc d daw nabayaran ng buo nung may-ari ung tubig.
Ako: Naman bakit di nyo ko tinex para sa opis na ako kumain at nagtutbrush/hilamos.
Mama: Wala kming load eh.
Ang hirap talga mawalan ng tubig...bakit?
- Pag wiwiwi walang panghugas. Buti na lang may wet wipes.
- Di makatae kc walang panghugas. Kahit may wet wipes pano naman ang pangbuhos sa inidoro.
- Di makapaghugas ng pinggan at lalong di makapagluto. Since d ako kumain bago umuwi, gutom ang inabot ko. Kaya ang pagtitipid ko nauwi sa chowking at dun pa kmi ni Dimple naghilamos. Hahaha!
- At ang malaking problema ay kung papano kami bukas. 4 kming pumapasok kahit katiting walang tubig. OMG!!!
Bog!
Habang nanonood kmi ni Ate ng "Juicy" ni Alex Gonzaga sa TV5, kumatok si Papa sa kwarto at pagbaba nmen, MY GAWD!!! baha!!! Ano nangyari...yun pala nalaglag ung isang container ng mineral at nabuhos lahat ng tubig. Ang kinalabasan:
- Naligo ang higaan nila Mama sa lapag. Ang banig basang basa.
- Ang mga wire naligo rin, d kmi nakagamit ng electric fan in short.
- Ang dvd ko...buti na lang water proof ang karton.
- Waaa! Basang basa ang lalagyan nmen ng damit pambahay. Buti na lang mahilig ako magsecure ng gamit ko. What I mean is nakalagay sa plastic bago ko nilagay sa bag na sako ung mga damit ko.
- Ang laundry basket tumutulo at maraming damit ang nabasa. Buti na lang pinaplastic ko ang mga puting damit bago ilagay sa laundry basket.
- Si Dimple na mahimbing na natutulog, nagising at tumulong na rin sa paglilinis.
- In short, 1pm-2:30am naglilinis kmi ng bahay.
- Andaming labahin, andaming patutuyuin...walang tubig.
- Ang baldeng dapat panligo ni Dimple, pinanghugas nmen sa paa at kamay dahil sa paglilinis. Baka mamaya nagsihawa na ang ihi ng ipis at daga sa mga kamay at paa namen.
Kinabukasan, ang kawawang Dimple at Papa naghilamos ng kakarampot na tubig. At kmi naman ni ate ay napilitang mag-gym para dun na maligo. Wish ko lang mamaya pag-uwi ko, may tubig na. Pag wala pa rin...hay naku tlga...
Mag-gym ka ulit bukas! Makikita mo ko ron! Haha!
ReplyDeletepag wala pa rin kaming tubig...for sure yun...gym ulit
ReplyDelete