Just want to write and share my Christmas vacation in Bikol...
Surely my hometown is where I always realized that I am so blessed...where there's no need to lose hope...in short it is the place where I easily feel that I can survive the worldwide crisis...
Thanks for my neighbors, relatives and friends who see us as few of the lucky persons in town, for respecting who and what we are, and for their stories which will let you feel embarrassed
for overreacting to the problems whom you think are big but for them, those were minor problems only.
I have proven that lack of love is, most of the time, the primary reason why a person can go astray. That's why sharing your time such as chatting, laughing and getting along with them, simple deeds yet unknowingly, already left a big mark to those people.
Hahaha! Ang serious naman ng bungad ng blog ko... yan ang emo moments ko sa Bikol with emo-look people...
Okay actually isang masipon, maalipunga, maulan, at malamig na Holiday Season ang naging bakasyon ko...
Nakakabaliw panahon dun 5days pa lang na stay ko dun...
Uulan...iinit...uulan...iinit... cguro mga 8 times maggaganyan sa isang araw...
So pag naglaba ka at nagsampay sa labas goodluck na lang...mahihilo ka pag sinusunod mo yung panahon sa paglabas at pag-alis ng sampay...hehehe! Kaya ako never ako nagsampay sa labas so ung mga damit na nilalabhan ko, 4days bago matuyo...
Bakit masipon? Kasi pagbabang pagbaba ko ng bus umaambon, malamig kc 4:30am pa lang nun... Para akong sinumpa na pagtungtong ko ng lupa...HATSOOO! ayun na at umabot pa yun ng bagong taon...cguro 5 tissue rolls naubos namen ni Mama in 2 weeks.
Bakit maalipunga? Kasi yung way mula sa tindahan namen kung saan kmi na22log at kumakain papunta sa bahay ng lola ko kung saan kmi naliligo at nagbibihis ay rough road. So pag maulan, maputik at matubig ang daan pinagpipyestahan ng mga fungi ang ang pagitan ng mga daliri ko sa paa. Kahit anong iwas ko, tumuntong sa bato eh wala rin...kakambal ko na yata ang blooopers. Kng kelan umiiwas ako dun lalo ako nalulubog. Why? pagtuntong ko sa bato...nalalaglag sya papunta sa mas malalim na putik...grrr!!!
Bloopers talaga! Anjan yung sinama ako manguha ng buko at magvolunteer na buksan ung maliit na kubo dun na pagdating ko yay! buntot! sabay sigaw... AHAS! toinks! di naman pala tuko lang na malaki.
Anjan yung brownout at natatae na ako so no choice kundi suungin ang maulan at madilim na kalsada pauwi sa bahay ng lola ko na ang dala lang ay maliit na ilaw na nagmumula sa flashlight ng lighter at d ko alam kng gagapang kc d namen makita masyado ang daan na walang putik or tatakbo dahil takot kmi sa dilim ng kapatid ko.
Di rin papahuli ang ilang muntik-muntikan nang pagkadulas sa sementong daanan papunta sa poso ng kapitbahay na kelangan pang buhayin para maglabas ng tubig...dito naman kmi naghuhugas at nag-iigib kapag tamad kmi pumunta sa lola ko.
Meron pang kakaibang adventure lalo na pag kasama ang mga tambay at habulin ng gulo kong mga kaibigan... Syempre sa dami ng kaaway nila, 1) d ko sila mayaya pumunta sa mga lugar na gus2 ko puntahan at kasama sila kc baka daw di na sila makauwi ng buhay. 2) Pag kasama sila, indi ako nakakadaaan sa pag ako lang eh nadadaanan ko naman baka raw mapaaway sila at madamay pa ako. 3) dun ko naranasan ang di malayang pakikipagkaibigan...hehehe! tutol ang mga oldies na makipag-usap at imbitahin ko sila sa bahay samantalang mga barkada ng pinsan ko yun.
Oh well, sutil ako jan...basta ang alam ko mababait naman sila...pag tulog...joke! indi actually kc iba sa knila eh kasabayan ko lumaki kung indi man eh nakita ko nang lumaki kaya palagay din loob ko...at sinong basagulero ang makikipaglaro ng...1-2-3 pass halos gabi gabi smen ni Dimple mula 7-10pm ng indi nagsasawa(ewan ko lang kng d nga sila nagsasawa).
Sometimes boring din lalo na pag wala makausap na barkada pag bantay ako ng tindahan or pag sa gabing lango ang mga tambay sa alak. At dito sobrang nakikipagbonding ako sa 4-year old na si maemae, anak ng kapitbahay ko na bigla bigla na lang tatawag ng... "Ateeeeeee!!!" Habulan to the max, mkaipagkulitan at makipaglaro na sobra akong natouch nung sinabi nya..."Ate wag ka na babalik ng maynila, dito ka na lang para may kalaro ako." Hahaha! Bibong bibong bata yun na pag inaway mo tatapunan ka ng piccolo(tama ba spelling?) or susuntukin ka at since maliit sya goodluck boys sa pinakaiingatan nyo. hahaha!
Umuwi rin ang newly-wed kong kaibigang soooper tagal ko nang d nakikita at sya ang dahilan bkit nakarating kmi sa Paguriran Island, ang dapat pupuntahan nmen nila jho sa february. He proves na kahit gaano katagal kming di nagkita-kita eh walang nagbago except sa may asawa na sya at si ate ...charing!
Nakadalawang misa de gallo din ako dun tuwing 4am at nalolost ako sa bikol na misa...nagbago kc ng mga responses pero ang pinakanatuwa ako eh ang choir na dating sinalihan namen ni ate na ngayon eh sila dimple na ang pumalit...pero may mangilan-ngilan din na mga kaedad pa namen ang andun. Pinababalik pa kming 2 ni ate ni Mam Deladia at ibang mga kakilala dun kaso syempre nakakahiya naman na. hehehe Maulan din ang Pasko dun kaya after kainan tulog na agad kaya mejo nadisappoint kmi ni dimple kc dati inaabot kmi ng umaga ng mga barkada ko. Buti na lang nung new year kahit maulan eh magdamagan kmi nagvideoke ng mga kaibigan ko kaya kinabukasan ng Jan 1, halos alas dos na kmi ng hapon nagising.
And I thank God for all of these...muntik ko pang mamiss ang mga memories na to dahil sa pagdadalawang-isip kng uuwi o indi.
At sa araw ng pagbalik ng Maynila, nabalot ng kalungkutan ang aming lugar. 1) Dahil sa 7 kming luluwas na ng Maynila 2) Namatay ang apat na buwang anak ng ka ibigan kong babae na indi ko pa man nasisilayan eh sumama na kay Lord at dahil pauwi na kmi, wala na rin chance na makita namen sya.
To make the long story short, umalis kmi na hanggang Legaspi eh umiiyak pa rin ako. Emo tlga ako that time especially when I saw them crying too when the bus driver started the engine. Hahaha! Ngayon lang kc ako nagbakasyon ng matagal smen sa loob ng 3 taon. I will surely miss them.
P.S pasensya na ulit sa napakahabang nobela..honestly kulang pa yan... hahaha! yung iba naman kc eh not for public reading pa...hahaha! may ganun...kng nakarating ka sa puntong eto...ui congrats! tyaga mo magbasa in fairness...ang pinakanamiss ko sa bakasyong to... waaaa!!! sana maisama ko yan sa new year's resolution ko...ang wag na palagi nanghihiram ng camera...
No comments:
Post a Comment