In 6 weeks never ako nagkamali ng sinakyang train. Ngaun lang!
I left office at 7pm. Since mag-isa akong umuwi so nakatungo ako naglalakad and takip ang ilong kc super lamig. Huhuhu! Kawawang ilong. When I reached Ostbhanof station, I noticed but ignored ang madaming tao sa station. Akala ko naghihintay lang sila sa baba kc malamig sa taas. So akyat lang then pasok sa train na nakastop kc lahat naman ng train sa track na yun dadaan ng Rosenheimer Platz, 1 station lang naman kasi.
Kaso nung umandar biglang pabalik and nakalagay pala sa screen Flughafen/Airport. Shocks so baba ako sa di ko alam na istasyon at antay for 15min ng train pabalik. Uber nginig na ako sa lamig kc di maganda pakiramdam ko today. At last may dumating na train. Pagpasok ko may announcement na indi ko maintindihan at yung iba bumaba na. Pero since mas marami ang nanatili sa loob so tuloy, soundtrip lang hanggang makarating ng Ostbhanof. May announcement na naman and this time lahat sila nagsibabaan. So I asked somebody pero di nya yata ako narinig buti na lang may isang guy na nakaearphone pa pero narinig ako. Di na raw tutuloy ung tren stop na sya dun. He was so kind to offer na may alam syang ibang track na dadaaan ng Rosenheimer Platz so sumabay ako sa kanya.
But then on the way, I saw my boss in SG, andito na pala sya ulit with Mun Fei and another colleague na ngaun ko lang nakita. So nagpaalam na ako sa stranger pero nakalimutan ko magthank you. Mun Fei told me na sabay na lang magdinner sa knila since treat naman ng boss namen and sabay na lang kmi maglakad pauwi. Tapos nakita ko ulit ung german guy and he told me na wala raw S-Bahn going to the central station and got the chance to thank him. SO no choice kundi sumama sa mga SG na alam ko naman unplanned na kasama ako. Kapal mukha na lang hahaha! Another colleague told me this "So you just joined RS-SG. Hmm there must be something in you to be accepted in the engineering department because females are not for engineering." Waaa! oo na oo na, nakakapressure na kayo ha. Compliment ba to or what?
So I'm just quiet sa dinner kc mga 10-yr employees na sila ng RS-Sg eh kng wala lang si MunFei(same flight+1 and same hotel kmi) di tlga ako sasabay. Then Dave saw us pero umalis rin since kasabay nya magdinner wife nya and finally met Kai Xun, a colleague from SG who arrived last week and is staying just on the next door. Lakad na lang kami pauwi..kaloka ang lamig lamig. Lord grant me healthy body especially healthy nose please!
The End.
No comments:
Post a Comment