Monday, December 15, 2008

Say, Jaypeee!

Bkit yan ang title? Syempre kc yan yung highlight ng naging christmas party slash get-together ng CS fortri berks...di ba eds? hihihi!

Pero bago ang bonggang bonggang kwento kay Jaypeee...eh simulan ko muna sa simula(malamang!)

7pm Skating Rink MOA...yan jan ang usapan kitaan... pero kmi ni Jho 6:30 umalis ng opisina...mga pasaway...at di pa namen sure kng san kmi bababa...mrt taft ba or mrt magallanes...salamat kay leng at sinabi nya taft na kmi magkita kaya hula nmen taft din dapat bumaba...then after nun magtataxi na lang kami para di maligaw...hahaha! kaso paglabas mrt pa lang di na namen alam san lalabas or bababa....so pinasok nmen ang mala-mall dun na maliit at pilit na nirerecall ni jho ang dinaanan nya dati...parehong nasanay sa mga boyfriend na pag kasama walang iniintindi kng san dumadaan...hahaha!

pagkalabas namen josko ang ingay...may nahahabulan, sigawan at idagdag pa ang busina ng mga sasakyan...akala mo naman susyal kmi ni jho na di sanay sa ganito dati mas malala pa nga kc naiingayan at naiistress kmi sa paligid...hahaha! dahil walang taxi sabi namen jeep na lang pero sa bus pa rin kmi sumakay papuntang MOA. Aynakupu! ang hirap pala na malapit lang ang bahay sa trabaho. Di na ako sanay sumakay ng bus. Andami kong nabunggo ng bag na nakaupo...pakanan...pakaliwa kc naman sa dulo lang bakante...hilung talilong kinalabasan ko...salamat sa mentos at di ako nasuka...

pagbaba ng mall, naakit kmi sa banda so sabi namen dun kmi papasok...mali hypermart ang pinasukan namen...hahaha! balik kmi at hanap ng skating rink...hanggang sa makita namen si eds at zhel sa 2nd flr at antayin ang iba na lumipat from aristocrat to skating rink....surprise!!! si wheng nakapunta...since bday nila ni bert that time kaya double celeb kmi...wala nga lang bert

sa berks, uso na ang maraming stopovers bago makapagdecide kng san kakain...dampa? shakeys? maxs? at eto na ang makasaysayang joey's pepperoni...pagdating sa place...

"sa loob tayo para may aircon"

susyal! dati ok lang kahit init na init na ngayon requirement na sa kakainan, aircon...buti na lang walang humirit na sa "couch tayo"...hahaha! pero dahil punuan ang mga kainan sa joey's pa rin kmi kumain...ang pizza daw dun good for 4 persons eh 12 kmi kaya sabi ko 3 pizzas na lang...pagserve, ung for 4 persons naging 12 persons na...so bumaha ng pizza... ang pasta na good for 2 persons, eh inorder ng 1 pasta per person ng mga umorder...aus baha sa pagkain...

after kumain eto na si jaypee, ang waiter ng joey's. Nagpakuha kmi pictures as in madaming group pictures kaya papalit palit ng sinasabi..."say cheese!", "say joeys" meron pa nga "say keso!" hahaha! pero ang panalo is..."say jaypee!" At dahil mga lukaret ang berks, nagawa pa tuksuhin si jaypee sa isa nameng friend na si Eds...yihiiii! at si jp naman game...ayan nilabas tuloy ni Eds ang kanyang kamao...hahaha! walang nasabi si jaypee kundi "d ko naman iddkit mukha ko sau ah" hahahaha!

Jan po nagtatapos ang kwento kay Jaypee.

After ng dinner punta kami sa likod ng moa para magpapicture sa malaking christmas tree, maglaro ng hep hep hurray!, sumayaw si drew at zhel magtawanan, mag-emote(ehem!), tumalon, humalakhak ng humalakhak.

@1am punta na kmi kina erik except wheng. kmi ni drew,muller,jho at riza, nagbonding pa sa pag-antay ng taxi kc d kmi kasya sa sasakyan ni erik...then convoy na lang pag dating sa gasolinahan....

ang haba ng blog ko!!! tutuloy ko pa ba? hmmmm cge na nga para na rin s mga d nakapunta

to make long story short...hahaha! 2am kumakain pa kmi ng ice cream at pic-a, at walang kamatyang joke ni andrew leyesa. 5:30am umuwi na sila drew,jho at yel...d ko na kinaya antok kaya nalaman ko na lang 8am umuwi na rin sila muller,leng,rose at riza. Kming 3(eds at zhel) plan umalis ng 10am nagising ng 10:30. tsk tsk tsk at kumain pa ng sangkatutak kina erik.

Umalis kmi 1:30pm na diretso Shangrila, wlang ligu-ligo namili kmi ng panregalo...hahaha! Then punta megamall para bumili ng kris kringle ni zhel at dinner sa shakeys(grabe ang gastos ayoko na sumama sainyo!!!) at back to shang para bilhin gifts ni zhel para sa inaanak nya....

yun na...a wonderful bonding na nangyayari isang beses sa isang taon...next year ulit guys...

Tuesday, November 18, 2008

My Secret Santa


Sarap talaga ng libre!!! Salamat Santa Delifrance...

"Anong nangyayari?"

Wala naman nakatikim lang ng 5 almond star cookies with chocolate drink ng libre sa Delifrance. Syempre lahat ng libre masarap gaano man yan ka-onti basta libre keri na. da bah?!

"Huh?! Pano?"

Simple lang. Here's the steps( cge na nga popromote ko na since nakalibre naman ako )
  1. Go to this site to claim your treat. Promotion to ng cookies ng Delifrance.
  2. Enter the required information and click Send Treat.
  3. Upon receiving the email, print it and takbo na agad sa pinakamalapit na Delifrance bago ka pa maubusan. Don't forget to bring a valid ID.
Tip: Mas masarap magdine-in pag may kasama. So hatakin na ang gusto mo makasama. Hehehe!

P.S: Salamat sa hobby ni Jho at na-experience namen to...

Friday, November 7, 2008

On your birthday

Since tomorrow is Saturday, so I would like to send this gift in advance.



Happy Birthday Jho! Mwah! mwah!

P.S:

If Pao is reading this, Happy Birthday to you! :)

Wednesday, September 17, 2008

Kung kelan walang tubig, tsaka bumaha

How ironic noh?! Hayy ganito kc yun...

Once upon a time este kgabi pala pag-uwi ko ng 9pm sa bahay bumungad sken ang napakadumi at maraming hugasan sa lababo.

Papa: Walang tubig.
Ako: Ha? Kelan pa?
Mama: Alas dos. Nakapadlock yung tubig kc d daw nabayaran ng buo nung may-ari ung tubig.
Ako: Naman bakit di nyo ko tinex para sa opis na ako kumain at nagtutbrush/hilamos.
Mama: Wala kming load eh.


Ang hirap talga mawalan ng tubig...bakit?
  1. Pag wiwiwi walang panghugas. Buti na lang may wet wipes.
  2. Di makatae kc walang panghugas. Kahit may wet wipes pano naman ang pangbuhos sa inidoro.
  3. Di makapaghugas ng pinggan at lalong di makapagluto. Since d ako kumain bago umuwi, gutom ang inabot ko. Kaya ang pagtitipid ko nauwi sa chowking at dun pa kmi ni Dimple naghilamos. Hahaha!
  4. At ang malaking problema ay kung papano kami bukas. 4 kming pumapasok kahit katiting walang tubig. OMG!!!
Buti na lang nakiusap ang may-ari sa hipag nya na magsalok kmi ng tubig sa kanila. Eto si papa bitbit na ang isang balde at container ng mineral water na extra namen. Hayyy nakahinga kmi ng maluwag. Nakampante na kmi kahit papano kc may panligo na bukas.

Bog!

Habang nanonood kmi ni Ate ng "Juicy" ni Alex Gonzaga sa TV5, kumatok si Papa sa kwarto at pagbaba nmen, MY GAWD!!! baha!!! Ano nangyari...yun pala nalaglag ung isang container ng mineral at nabuhos lahat ng tubig. Ang kinalabasan:
  1. Naligo ang higaan nila Mama sa lapag. Ang banig basang basa.
  2. Ang mga wire naligo rin, d kmi nakagamit ng electric fan in short.
  3. Ang dvd ko...buti na lang water proof ang karton.
  4. Waaa! Basang basa ang lalagyan nmen ng damit pambahay. Buti na lang mahilig ako magsecure ng gamit ko. What I mean is nakalagay sa plastic bago ko nilagay sa bag na sako ung mga damit ko.
  5. Ang laundry basket tumutulo at maraming damit ang nabasa. Buti na lang pinaplastic ko ang mga puting damit bago ilagay sa laundry basket.
  6. Si Dimple na mahimbing na natutulog, nagising at tumulong na rin sa paglilinis.
  7. In short, 1pm-2:30am naglilinis kmi ng bahay.
  8. Andaming labahin, andaming patutuyuin...walang tubig.
  9. Ang baldeng dapat panligo ni Dimple, pinanghugas nmen sa paa at kamay dahil sa paglilinis. Baka mamaya nagsihawa na ang ihi ng ipis at daga sa mga kamay at paa namen.
Ang kagandahan lang sa nangyari is, nalinis ang kasuluksulukan ng maliit na bahay. Maliit lang pero sa dami kc ng gamit, ang hirap na linisin. Pagod ever. Zzzzzz

Kinabukasan, ang kawawang Dimple at Papa naghilamos ng kakarampot na tubig. At kmi naman ni ate ay napilitang mag-gym para dun na maligo. Wish ko lang mamaya pag-uwi ko, may tubig na. Pag wala pa rin...hay naku tlga...

Descrimination eklat!!! Grr!

Hay naku pasensya na kung dito ko maibubuhos ang inis ko sa BDO.

Akalain mo ba namang magdedeposit at magbabayad ako ng HSBC credit card inabot ako ng 30min sa teller. Gooolay!

Tapos na nya iprocess yung deposit ko then currently pinoprocess nya ung payment ko sa HSBC nang may dumating na mukhang mayaman na nakapormal na nagfafollow-up ng transaction na kung kelan man un wala na ako pakialam.

Iwanan ba ako ng teller at asikasuhin yun. Ayan ok lang kc sandali lang sya nawala. Pagbalik tuloy ng process. Tapos nagsalita na naman ang mayamang eklavu na yun na ituloy na daw. Walang niha-niho iniwan ako ng teller. At 20 minutes nawala.

Umiinit na ulo ko ggrrr! Tinitingnan ko na ng masama ung mayamang lalaking yun na kung nakakamatay ang tingin bumulagta na yun sa sahig. Nagtatanong na ako kng pwede ung isa na magtuloy ng process. Pero di daw pwede.

Ayan after mamuti ng mata ko at mangalay paa ko kakatayo anjan na sa wakas binalikan ako. My God! wala pang 2 minuto binigay na sken yung papel. Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo sabay nagtaray at kahit yung 2 guard sa pinto na nagsabi "Thank you mam" tiningnan ko ng masama.

Grrrr!!! Descrimination talaga nakakainis kahit kelan...Antayin nyo lang yumaman ako...gggrrrr tlga!!!