Monday, November 9, 2009

Something New

...yan ang theme ng 25th birthday ko...

I want to experience new things on this year that's why I started it on the day when I turned 25...

What's New?(pictures here)
  1. First firsts of the day, Canon Lens from Bert na diniliver ni Zerlan. Matagal ko na plan bilhin un pero wala ako laging budget.
  2. Chupa chups, crazy dips lollipop+poppin candy na pinatikim sken ni Jho.
  3. New headbands from my sister na puro pang-noo or pag nakaponytail.
  4. Mama gave me an undergarment as a gift(first tym na niregaluhan ako ni mama on my bday). Ate gave me also a pair of undergarments.
  5. I've got the chance to take some pics of my new friends in FF.
  6. Have a dessert with my family at crepes and creams. First time to celebrate my bday with my family since 2001. Kahit d kumpleto eh ok lang.
  7. Ang pinakafirst sa lahat, we went to a comedy bar. First plan is to see Vice Ganda sa Punchline pero since blockbuster nung sat at late na kami kaya nagklownz na lang. Main guests nila si Dessa at Allan K. Ok pa rin 2 thumbs up. Hahaha! Favorite ko si Gie a.k.a Aubrey Miles...Wellll! Amazing!!-gie
  8. New set of earrings. Palaki ng palaki Jho ah...hahaha!
Thanks sa lahat ng bumati at naging part ng mga something new ko. Mas marami pa rin kesa sa mga indi nabreak tulad ng pagsesenti and bday blues. Thanks Lord, family, hikab, berks, friendships, officemates, classmates, relatives,sponsors(echoz!) hahaha! for this wonderful day. :)

Friday, October 9, 2009

What God Wants Me To Know

It's been months since the last time I posted a blog. Now, I'm doing it again to share one of the FB's application, God wants You to Know. I saw this from Eds' wall but I keep on ignoring it since I am not an FB user who tried almost all the applications she discovered from her friends' walls.

But today, all of a sudden I want to try it. I click the Allow button and upon reading the summary, all my cells ignited(exag!) Hehehe. I became teary-eyed for 5seconds. The message is:

On this day of your life, Nelda, we believe God wants you to know ... that it's OK.
Just rest for a moment. It's OK. Yes, things are crazy, yes, the world is going nuts. Yet, deep underneath the stormy waves, there, in the core of your being, there is pure silence, pure love. And ... it's ... just ... OK.

No need to explain why it's like that. All I can do is smile and whisper... Thank You. :-)

Thursday, July 23, 2009

the voice within

I want something new!
I want something different!
I want to move forward!
I want to improve everything!
I want to be free!
I want to help!
I want an encouragement!
I want a change!
I want a blessing!
I want a better me!

...so many wants but where and how will I start?

Thursday, June 18, 2009

Konayuki

Since Utada Hikaru's First Love, my all-time favorite japanese song, another japanese song has captured my heart. Yung tipong parang gusto ko syang kantahin lagi especially yung chorus. Kahit d ko kabisado hina-hum ko habang naglalakad, may gnagawa or gusto naririnig ko bago ako matulog. Hahaha!

Keber kng d ko alam ang saktong lyrics basta gusto ko sya. Gusto ko ung melody, music kaso mejo sad yung lyrics. I love how Remioromen(parang kilalang kilala ko sila) sings Konayuki. Hayyy LSS.

"Konayuki nee...totorotorototot ahaaa"...anyways pakinggan nyo na lang...hahaha!

Get this widget | Track details | eSnips Social DNA

Tuesday, June 9, 2009

It's Nice To Be Back...

...sa pagbablog...

Hihihi! Namiss ko kaya magsulat dito. Andami-dami ko sanang gusto isulat pero walang panahon noon. Bisibisihan sa trabaho kasi...tsk!

Ngayon naman I am freeeeee. Di ko na nga alam paano uubusin ang 8hours. Naisipan ko bisitahin ang blog ko...

Kamusta naman nakaka-tatlong drafts na ako pero d ko maipublish...parang may mali sa mga sinusulat ko...pagkatapos ko itype ng pagkahaba-haba, iddelete ko lang...

Kung kelan naman andami ko time magblog...wala ako maisip na ilagay.

Sadya bang di na ako sanay magpetiks...(charing!)

Tuesday, March 10, 2009

Yes! May ID na ako!

Wot! Wot! Wot! Sa wakas after almost 4years na contribution sa SSS nagkaron na rin ako ng ID. Hehehe! Tamad ever kc asikasuhin dati. Salamat kay Miao kc sinipag din sya mag-apply ng ID kaya namotivate ako mag-apply din.
Wohhooo! At least ngayon di lang laging passport gamit ko as valid ID at higit lalo sa cebu pacific domestic flights. Hehehe! Wala lang.

Friday, March 6, 2009

Nakakabiglang JOKE!

Hay naku bakit ba nauso ang mga joke ngayon sa text. Ok sana kng mga patawa yung bungad ng joke eh pero indi. Isishare ko lang ung 2 beses nabiktima ako ng joke na indi nakakatuwa sa una.

December 2002, Bicol:

New year's eve ata nung mga panahon na yun at sobra kaming busy sa bahay sa paghahanda ng noche buena nga ba term dun. Uso pa drop call nun so kaming mga smart sulit na sulit ang dropcall kc halos araw araw nakakailang tawag kami nun(sana ibalik...hehehe). May isa akong close friend jan na buong araw eh di nagparamdam nun at kinagabihan habang nagluluto ako eh nakareceive ako ng text mula sa kanya. Eto bungad: D yan yung saktong lines pero parang ganyan.

"ako nga pala si ---- kapatid ni ---- gus2 ko lng sabhin sayo na namatay na ang kapatid ko kaninang 5am."

OMG! Nanlambot ang mga buto ko sabay upo sa hagdan at humagulgol. Lapit naman si Mama,ate at dimple at inabot ko ung cellphone ko. Eh since kilala naman sya ng pamilya ko kaya naintindihan nila bakit ganun ako nagreact agad. Nung mejo nahimasmasan ako, text ako sabi ko "bakit po? ano ngyari?" antagal magreply d na ako nakakapag-isip ng matino. Beep! TOINKS! basahin ko raw karugtong. Gulay! joke lang pala. d ko alam kng matatawa ako or magagalit basta ang alam ko napahiya ako for the first time sa harap nila mama,dimple at ate. OMG tlga! Hahaha!


March 5, 2009, Mandaluyong:

Habang nanonood ako ng ending ng Fated To Love You, opkors climax para sken yun. Beeeep! nagtaka ako bakit nagtext ung friend ko taga-bicol eh usually mga ganung oras eh tulog na yun. ok buksan ko baka nangangamusta lang.

"Delete mo jan # ko! Traidor ka pala!!!"

Cguro nawala ung puso ko sa kinalalagyan nung nabasa ko un. Nsa peak na nga ako ng emotion sa pinapanood ko eh ganun pa nabasa ko. Eto reply ko

"Ha? Para sken ba yun?" tapos text ulit ako "Anong problema mo?"

D tuloy ako nakapagconcentrate sa pinapanood ko then nagreply sya. "Basahin mo kc ng diretso". Gooolay! Naisahan na naman ako. Nakakainis tlga.

One lesson na natutunan ko dun...pansinin muna ang scrollbar kng may karugtong pa ung text o wala na. Hahaha!

Monday, January 26, 2009

LOST!

Which is better...

A. Ang lumaki ka sa pamilyang akala mo sayo pero yun pala indi. In short ampon ka lang at d mo alam kng san ka galing.

o...

B. Ang lumaki ka ng labingdalawang taon na kasama ang pamilya mo pero mahigit labingdalawang taon ka na ring nawalay sa kanila. No communication, no news kng asan na sila, no pictures na kahit cguro nakakasalubong mo na eh d mo na makikilala.

Paano mo pagagaanin ang loob ng mga taong may ganyang kwento. Lalo na kung negative ang naging dating sa kanila. Kahit nga naman anong pagcomfort ang gawin mo... sa iisang rason lang na sinabi nila mananahimik ka na...

..."kasi kulang ang pagkatao ko".

Friday, January 16, 2009

My 2008 and 2009 Dove Chocolates Messages

2008, can't remember the exact date, Frangy gave us Dove chocolates and each chocolate has message. I have kept 2 of the chocolates he gave and these were the thoughts inside them
Two chocolates have different message but almost have the same thought, "To be happy." Hmmm, well I have followed the message naman. I tried to smile and be happy naman kahit na madami sad moments nangyari last august and before holiday season.

2009, Jan 16. Ercel gave another Dove chocolates and I got two again. Below are the messages which have same thought also, "My presence is a better gift than spending money." Hmmm, let's see sa 2010 kng this message is applicable to me. Hahaha!

Thanks Frangy and Ercel for the yummy chocs pala. Hehehe!

Monday, January 12, 2009

How's my 2008 Goals

Bago ko gawin ung new year's resolutions and goals ko, check ko muna yung goals ko last 2008. Almost a year ago, gumawa rin ako ng goals ko for 2008 and then i made a mid-year check kaya ngayon lists ko na yung mga natupad at di ko natupad.

YES:
1) Save money and spend salary wisely. Uyy natapos ang taon na may ipon ako kahit onti lang ipon pa rin naman un.
4) Career Growth. The most achieved goal so far sa lahat ng sinet ko this year.
5) Not so demanding girlfriend. I know tinupad ko to.
6) 1-week vacation in Bikol. Nakauwi naman ako last March 4days nga lang and nakapagbakasyon ulit ako ng 2weeks last christmas.
7) Go to Bohol OR Palawan AND outing with Berks. Next time ulit guys!!! 2010 na kc ang trip ko this year eh Bikol...butanding...*iskeri*
10) Lose weight. Oo daw ako dito...yohoo!!! for the first time...

Pero kng may good news syempre di maiaalis ang bad news...di rin kc nagpahuli ang mga goals na d ko natupad.

NO:
2) Look for a new apartment for the family. Ayaw na kc nila umalis dun kc ang mamahal ng rent pag mas malaking bahay tsaka mas malayo din.
3) Apply for a housing loan. I realized hirap pala pagsabayin ng goal na to kapag may pinapaaral ka. tsaka na cguro pag nakatapos na dimple...josko 3yrs from now pa un...
8) Improve my relationship with God and trust Him all the time. I am so guilty on this part especially nung nagkaron ng recession. Fear overpowered my faith paminsan minsan.
9) Try to be positive in all circumstances. Hehehe! almost related sa item 8.

Hmm, kahit di lahat natupad ang gusto eh para saken napakaproductive ng 2008 ko lalo na sa career at friendship. Sana ganun ulit ngayong 2009 kahit na matinding krisis ang kinakaharap ng planet earth.

Friday, January 9, 2009

So This Is Christmas...

Just want to write and share my Christmas vacation in Bikol...

Surely my hometown is where I always realized that I am so blessed...where there's no need to lose hope...in short it is the place where I easily feel that I can survive the worldwide crisis...

Thanks for my neighbors, relatives and friends who see us as few of the lucky persons in town, for respecting who and what we are, and for their stories which will let you feel embarrassed
for overreacting to the problems whom you think are big but for them, those were minor problems only.

I have proven that lack of love is, most of the time, the primary reason why a person can go astray. That's why sharing your time such as chatting, laughing and getting along with them, simple deeds yet unknowingly, already left a big mark to those people.

Hahaha! Ang serious naman ng bungad ng blog ko... yan ang emo moments ko sa Bikol with emo-look people...

Okay actually isang masipon, maalipunga, maulan, at malamig na Holiday Season ang naging bakasyon ko...

Nakakabaliw panahon dun 5days pa lang na stay ko dun...
Uulan...iinit...uulan...iinit... cguro mga 8 times maggaganyan sa isang araw...
So pag naglaba ka at nagsampay sa labas goodluck na lang...mahihilo ka pag sinusunod mo yung panahon sa paglabas at pag-alis ng sampay...hehehe! Kaya ako never ako nagsampay sa labas so ung mga damit na nilalabhan ko, 4days bago matuyo...

Bakit masipon? Kasi pagbabang pagbaba ko ng bus umaambon, malamig kc 4:30am pa lang nun... Para akong sinumpa na pagtungtong ko ng lupa...HATSOOO! ayun na at umabot pa yun ng bagong taon...cguro 5 tissue rolls naubos namen ni Mama in 2 weeks.

Bakit maalipunga? Kasi yung way mula sa tindahan namen kung saan kmi na22log at kumakain papunta sa bahay ng lola ko kung saan kmi naliligo at nagbibihis ay rough road. So pag maulan, maputik at matubig ang daan pinagpipyestahan ng mga fungi ang ang pagitan ng mga daliri ko sa paa. Kahit anong iwas ko, tumuntong sa bato eh wala rin...kakambal ko na yata ang blooopers. Kng kelan umiiwas ako dun lalo ako nalulubog. Why? pagtuntong ko sa bato...nalalaglag sya papunta sa mas malalim na putik...grrr!!!

Bloopers talaga! Anjan yung sinama ako manguha ng buko at magvolunteer na buksan ung maliit na kubo dun na pagdating ko yay! buntot! sabay sigaw... AHAS! toinks! di naman pala tuko lang na malaki.

Anjan yung brownout at natatae na ako so no choice kundi suungin ang maulan at madilim na kalsada pauwi sa bahay ng lola ko na ang dala lang ay maliit na ilaw na nagmumula sa flashlight ng lighter at d ko alam kng gagapang kc d namen makita masyado ang daan na walang putik or tatakbo dahil takot kmi sa dilim ng kapatid ko.

Di rin papahuli ang ilang muntik-muntikan nang pagkadulas sa sementong daanan papunta sa poso ng kapitbahay na kelangan pang buhayin para maglabas ng tubig...dito naman kmi naghuhugas at nag-iigib kapag tamad kmi pumunta sa lola ko.

Meron pang kakaibang adventure lalo na pag kasama ang mga tambay at habulin ng gulo kong mga kaibigan... Syempre sa dami ng kaaway nila, 1) d ko sila mayaya pumunta sa mga lugar na gus2 ko puntahan at kasama sila kc baka daw di na sila makauwi ng buhay. 2) Pag kasama sila, indi ako nakakadaaan sa pag ako lang eh nadadaanan ko naman baka raw mapaaway sila at madamay pa ako. 3) dun ko naranasan ang di malayang pakikipagkaibigan...hehehe! tutol ang mga oldies na makipag-usap at imbitahin ko sila sa bahay samantalang mga barkada ng pinsan ko yun.

Oh well, sutil ako jan...basta ang alam ko mababait naman sila...pag tulog...joke! indi actually kc iba sa knila eh kasabayan ko lumaki kung indi man eh nakita ko nang lumaki kaya palagay din loob ko...at sinong basagulero ang makikipaglaro ng...1-2-3 pass halos gabi gabi smen ni Dimple mula 7-10pm ng indi nagsasawa(ewan ko lang kng d nga sila nagsasawa).

Sometimes boring din lalo na pag wala makausap na barkada pag bantay ako ng tindahan or pag sa gabing lango ang mga tambay sa alak. At dito sobrang nakikipagbonding ako sa 4-year old na si maemae, anak ng kapitbahay ko na bigla bigla na lang tatawag ng... "Ateeeeeee!!!" Habulan to the max, mkaipagkulitan at makipaglaro na sobra akong natouch nung sinabi nya..."Ate wag ka na babalik ng maynila, dito ka na lang para may kalaro ako." Hahaha! Bibong bibong bata yun na pag inaway mo tatapunan ka ng piccolo(tama ba spelling?) or susuntukin ka at since maliit sya goodluck boys sa pinakaiingatan nyo. hahaha!

Umuwi rin ang newly-wed kong kaibigang soooper tagal ko nang d nakikita at sya ang dahilan bkit nakarating kmi sa Paguriran Island, ang dapat pupuntahan nmen nila jho sa february. He proves na kahit gaano katagal kming di nagkita-kita eh walang nagbago except sa may asawa na sya at si ate ...charing!

Nakadalawang misa de gallo din ako dun tuwing 4am at nalolost ako sa bikol na misa...nagbago kc ng mga responses pero ang pinakanatuwa ako eh ang choir na dating sinalihan namen ni ate na ngayon eh sila dimple na ang pumalit...pero may mangilan-ngilan din na mga kaedad pa namen ang andun. Pinababalik pa kming 2 ni ate ni Mam Deladia at ibang mga kakilala dun kaso syempre nakakahiya naman na. hehehe Maulan din ang Pasko dun kaya after kainan tulog na agad kaya mejo nadisappoint kmi ni dimple kc dati inaabot kmi ng umaga ng mga barkada ko. Buti na lang nung new year kahit maulan eh magdamagan kmi nagvideoke ng mga kaibigan ko kaya kinabukasan ng Jan 1, halos alas dos na kmi ng hapon nagising.

And I thank God for all of these...muntik ko pang mamiss ang mga memories na to dahil sa pagdadalawang-isip kng uuwi o indi.

At sa araw ng pagbalik ng Maynila, nabalot ng kalungkutan ang aming lugar. 1) Dahil sa 7 kming luluwas na ng Maynila 2) Namatay ang apat na buwang anak ng ka ibigan kong babae na indi ko pa man nasisilayan eh sumama na kay Lord at dahil pauwi na kmi, wala na rin chance na makita namen sya.

To make the long story short, umalis kmi na hanggang Legaspi eh umiiyak pa rin ako. Emo tlga ako that time especially when I saw them crying too when the bus driver started the engine. Hahaha! Ngayon lang kc ako nagbakasyon ng matagal smen sa loob ng 3 taon. I will surely miss them.

P.S pasensya na ulit sa napakahabang nobela..honestly kulang pa yan... hahaha! yung iba naman kc eh not for public reading pa...hahaha! may ganun...kng nakarating ka sa puntong eto...ui congrats! tyaga mo magbasa in fairness...ang pinakanamiss ko sa bakasyong to... waaaa!!! sana maisama ko yan sa new year's resolution ko...ang wag na palagi nanghihiram ng camera...