Di ko alam kung kelan nagsimulang maconscious ako sa mga sinusuot ko. Siguro kasi ang hirap ko damitan. Cge na nga, di kasi maganda ang hubog ng aking pangangatawan. At aminin naman naten na sa mga department stores at boutique mas marami binebenta para sa mga slim. Di naman ako slim pero di naman plus size. At higit sa lahat andaming di kaaya-ayang parte ng katawan na kelangan wag ipangalandakan. Haha!
Dahil dito gusto ko talagang ako na lang gagawa ng mga damit ko. Pero bata pa ako gusto ko na talaga maggagawa ng mga damit...na papel para sa manika. haha! Siguro karamihang girls pinagdaanan un. Kaso pag malaki ka na dapat meron kang...
Fashion design skills? x
Marunong magdrawing? x
Marunong manahi? xMga kagamitan? x
Wala man lang check. Haha!Wag na nga lang. Ayoko kasi ng maraming kaparehong damit. Di naman sa indi ako sumusunod sa uso. Nakikiuso rin naman ako with a twist nga lang. At higit sa lahat gusto ko yung suswak naman sken at keri ko dalhin. At yung tipong sa pananamit makikita mo kung anong personalidad meron ka. Siguro mahilig lang talaga ako sa mga customized. Yung tipong may effort kesa sa binili lang.
Andami ko na palang kaartehan. Buti pa nung Naldo pa ako...maluwang na tshirt, pants at rubbershoes lang at maigsing buhok...solved na! Haha!
Ay naku maitigil na nga tong pagtatype ko at baka kung anu ano pang masabi ko. Pero bago yan, ipapakita ko lang ang aking nicombine na mga parts para makabuo ng damit. Thanks to Design Your Dress.
Love your posts! FASHION is what I live for..I also checked out your sponsors =)
ReplyDeleteWould you check out my blog and sponsors? www.modelpress.blogspot.com
Thank you SO much!