Thursday, January 31, 2008

High School Love Story

...8 years ago...

Pababa ako ng hagdanan ng Sorsogon National High School sa bilding ng 3rd yr at 4th year(ciempre d mapipicture-out ng mga friends kong taga-Manila kc never nila alam kng ano hitsura ng skul ko dati). Ako'y isang mataba at mahiyaing estudyante sa campus so lagi ako nakatungo maglakad at nagmamadali pa. Tapos sa miminsang pagtaas ko pa ng mukha, nakita ko ang isang lalaking para sken ay napakamacho at gwapo(tall, dark and handsome...parang sa mga nababasa ko sa pocketbuk). Nawala ang puso ko sa kinalalagyan. Tumalon at indi ko alam kng san napunta.(yuck! corny!) Pero deadma kunwari.

...after several days...
Nakita ko ulet xa kasama nung isa sa mga nanliligaw sa kaklase ko dati. Inobserbahan ko xa ng palihim. Section 3 pala xa habang ako naman ay nasa section 1.

"hmmm, tahimik at ngumingiti lang xa...ano ba yun? indi ko man lang marinig magsalita."

Isang gabi, pauwi na ako galing sa pamimili sa Robertson, mag-isa lang ako naglalakad pero andami-daming tao kong nakakasalubong kc uwian na ng ganung oras. At mula sa malayo natanaw ko si Mr. Crush.

Dug! Dug! Dug! sabi ng puso ko...josko! nagpanic na nmn ang lola mo. "babatiin ko ba xa? ngingitian ko ba xa? or deadma lang....waaah! palapit na xa" feeling ko nang mga oras na yun tumigil lahat ng gumagalaw sa paligid ko at kami lamang ang naglalakad. (walang halong eksaherasyon to ha...pramis!)

Ano na ngyari? Wala pangiti na ang lola mo pero binaling nya sa iba ung tingin nya nung makakasalubong nya ako. Waaaaahhhh! hurt ako! d man lang nya ako pinansin. "eh cno nga ba nmn ako para pansinin nya" grrr!

Dumaan ang mga araw, Ako'y laging palihim lamang tumitingin at walang nakaalam sa mga kaklase at kaibigan ko. Indi ko kc ugali magsabi lalo pa't alam kong mapapahiya lang ako.

Hanggang sa dumating ang DAMATH contest. Lahat kami pinasali ng aming guro sa matematika at ako ang nanalo para makipagcompetisyon sa ibang section. Marami ang sumali pero dala-dalawa lang ang lumalaban. Kung sino manalo xang lalaban sa nanalo dun sa kabilang grupo. Masayang-masaya ako ng makarating ako sa finals.

"Ang maglalaban para sa final round ay Section 1 at Section 3. Magsipunta na sa unahan ang mga maglalaban."(syempre bikol ang language)

Clap! Clap! Clap!


"OMG!!! C Mr. Crush ang kalaban ko?! Josko! Ano gagawin ko? Kelangan ko manalo para maimpress xa sken. No matter what kelangan kong manalo!!!"(nelda in panic mode...nagbablush pa) "Nelda inhale exhale! Kaya mo yan" sabi ng maliit na tinig mula sa aking isipan pero halos d ko na yun marinig sa lakas ng tibok ng puso ko.

Nagsimula na ang laro. Shake hands. "Nyaaak! Nakakahiya nagpapawis kc ang kamay ko." Tumagal na ang laro at malayo na agwat ko sa kanya. Yehey! Mapapansin na rin nya ako kc matatalo ko xa. Buong game nakatungo lamang ako. Nung patapos na tsaka ko xa tiningnan, eh tumingin din xa sken. "Ngaaak!" (kaba kaba kaba) tumira ako yes! isa na lang chip nya ako 3 pa.
Laking gulat ko nung bigla xang tumira at pinakain sken ang napakataas na positive chip laban sa pinakamababa kong chip. Waaaaaah!!! D ko napansin na d ko pa pala naititira ung pinakamababang chip. To make the long story short, natalo po ako. :(

"Congrats! tooottt!" (syempre d ko sasabhin name baka mabasa ng mga dati kong kaklase eh) "pasalamat ka d ko napansin un..hehehe!"(feeling close nmn ako!)

"Nice game! Muntik mo na ako matalo. Salamat." -Mr. Crush
(shake hands. blusshing na ako kaya tumalikod na ako bitbit ang DAMATH board ko)

Lutang pa rin ako naglalakad sa gitna ng lawn ng skul nmen ng maya maya...

"Nelda!!!"

"Huh?! Cnu tumatawag sken?"

Paglingon ko si Mr. Crush tumatakbo papalapit sken. OMG! ano kaya ngyari?

"Kaynano?" (bkit sa tagalog)

"Nice to meet you pala. Sabay na ako pabalik."

"Nice to meet you din. Hehehe! Cge."

Josko! Para gus2 ko na magevaporate. Buti na lang dumating ung isa nyang kaklase. kaya sabi ko

"Inot na ako." (Mauna na ako)

"Cge. Ingat"

"Ingat man."

Lakad na ako pero d ko napigilang lumingon. Ehehe! Huli kaw! D pa pala sila nakakaalis buti na lang nauna xa kumaway. Kumaway na rin ako.

Simula nun pag nakakasalubong ko xa sa daan, same pa rin tumitigil pa rin ang mundo ko pero d na nya ako deadma. At nung graduation ball na nmen, buti na lang naisipan ng kaklase kong kuhanan kmi ng litrato. By the way, never kaming naging close friend. Ngiti lang tlga ang batian namen.

...isang buwan ang nakalipas...
Nabalitaan ko na lang na boyfriend na xa ng isa sa mga kaklase ko. Hayyyz.

Why ko naisipan na magkwento ngaun? Kc nakita ko ung picture nya kagabi habang inaaus ko yung mga litrato ko nung Hiskul.

Wednesday, January 30, 2008

Katatakutang Bloopers

Ok cge break muna tau sa mga madrama kong post. Hahaha! This time, isishare ko naman ang nakakatakot na bloopers na nangyari sken. Dalawang pangyayari, magkaibang lugar, but same response to stimuli... hahaha!
SCENE 1:
Setting : Sa elevator sa Orient Square last Dec 2006 at 2am
Cast : Ako at isang nagtatrabaho sa 28th floor
Story :

OT kami nun sa SSL Mastercard Certification Project at 2am na kami natapos. Since nasa baba na si Bert at hinihintay na ako, nauna na akong bumaba sa mga teammates ko. Takot man ako mag-isa sa elevator at kahit na napaparanoid ako habang inaantay ko magbukas yung elevator, nagtapang-tapangan pa rin ako.

Ding!!!

Hay salamat nagbukas na sana may kasama ako sa loob. (nyaaaah!) walang tao...(Nelda natatakot mode) ayan pumasok na ako at nakayuko lang ako kc ayoko tumingin sa salamin baka kc may makita akong d ko magugustuhan....

"Lord guide me please...ayoko ko po makakita ng multo! Sana may pumasok na empleyado sa ibang floors."

By the way, mahaba pala buhok ko nun tapos nakapants akong maong at puting shirt.

Ding!!!

"Hay salamat! May makakasama na rin ako."(hinga maluwag) "OMG!!! Ba't walang tao?"
Suddenly i heard na may tumatakbo at Hayyy, buti na lang meron so umusog na ako sa dulo.

"Nyaaahhh!" (si Manong lalaking-lalaki tingnan at may hawak pa na payong na mahaba.) Napatda nung nakita nya ako. In short, nabading si Manong nung nakita ako.

WHY??? natakot xa sken. Hahaha! d ko mapigilan tumawa sabay tingin sa sarili ko sa salamin. Wala nga namang kakulay-kulay mukha ko. Walang make-up, so plain at nung nakita nya ako nakatungo pa ako. Sino nga naman d matatakot sken? At nakaputi pa ako nun at wala man lang ka-style-style sa buhok ko.

Manong: "Sorry Miss!"(tawa ng mahina) "d ko kc in-expect na may makakasabay pa ako sa elevator ng ganitong oras."
Nelda: "Ok lang po un!"(d ko na napigilang tumawa ng mahina)


SCENE 2:
Setting : Sa overpass ng along Julia Vargas Ave and cor Emerald Ave., kanina 10:30am
Casts : Ako at si Manong
Story :


"Gosh! Ang hangin naman, may bagyo kaya?"
Hawi ng buhok dito hawi doon ang ginagawa ng mga taong naglalakad. Ayan, d kinaya ng ipit ko ung lakas ng hangin so bumagsak sa mukha ko yung kulot kong buhok.

"Grrr! Ang dami ko pa naman dala dagdag pa tong buhok na to." Pababa na ako ng hagdan so ciempre nakatingin ako sa baba. Hawak sa side kc nakasandals na may takong ang lola mo. So free ang mala-cheez curlz kong buhok na sumunod sa hangin.

"Whhooooossssh!" (ayan wala akong nagawa nang dalhin ni Hangin ang buhok ko sa harapan ko)
Nasa last step na ako ng maisipan kong may hawiin ang buhok ko.
parang ganyan pero mas magulo pa ata jan
"Hahahahahaha!" bkit ako natawa? Kc si manong na napadaan sa gilid ng overpass, Gulat at napatigil at nakatingin sken. May nagulat na naman sa hitsura ko. Cguro mga 3sec na natigilan xa at ako'y dali-daling umalis na natatawa. Josko!!!

Pagdating sa opis pinansin ni Kamil at Frangy na gus2 nila ung buhok ko ngaun. Gus2 nilang magulo ang buhok ko kaya kinuwento ko sa kanila ang ngyari kanina. Hahaha!

Ayun wala lang, just a break! :))

At habang gumagawa ako ng blog na to nakarinig pa ako ng isang nakakatawang joke!

Ercel: Pano mo sasabhin sa babaeng maitim ang kilikili nya pero d mo sasabhing maitim?
Kamil and Peter: Paano?
Ercel: Miss kiwi ba ang deodorant mo?

Nelda,Kamil and Peter: Wahahahahahahaha!

Tuesday, January 29, 2008

Dreamin' or Imaginin'

Naranasan nyo na ba mahiga, pumikit, matulog? (ciempre oo naman. hehehe!)
...teka lang...
ano ba to pano ko ba sisimulan... hmmmm, yung parang tulog ka na gising...
...ay ang labo...
hhhhhhhhhmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm...
cge ikukwento ko na nga lang...parang ganito un...

...7:15am sa relo...
natulog ako tapos nagising na...pero nahiga ako ulet pero wala akong balak matulog tapos tumatakbo na imahinasyon ko kung anu-ano na iniisip ko...tapos nakita ko na lang sarili ko nasa ibang lugar na ako...tapos naaalala ko magkikita daw kami ni bert sa isang lugar ang pangalan ay CAMAROAN...josko! never been heard na may lugar na ganyan. Tapos on the way daw sa nilalakaran ko sementado xa pero nung may nameet akong mga tao nagkaron ng grass sa paligid at parang bukid na yung nilalakaran ko. Tapos ask ko daw yung place kung asan un...a girl lead me papunta dun sa isang kubo slash restaurant na parang katulad nung tinuluyan nmen sa puerto galera.

Ayan tinuro na daw nung girl ung place at nakita ko nga dun c bert. Tapos daw nabigla din ung kasama kong babae nung nakita si bert. Lumapit xa kay bert tapos may pinakita xang picture. Sabi nung babae...
"ui ang pangit ng kuha nten dito, cno sainyong dalawa ang tatanggalin ko, ipophotoshop ko para maging balance ang picture"

nyaaah! ano un? ung mga tao dun indi ko kilala...ung mga nasa picture...ang andun ung mukha nung girl, c bert tsaka may 2 pang guy...so weird...

...tapos ung girl palang kasama ko buntis daw xa at c bert ang tatay...ngyari daw yun one time na nag-out-of-town cla bert sa Albay. josko! nagdilim ang tingin ng lola mo...
...tapos sunod ko nakita sarili ko aba andun na ako sa muchos nagpapakalango kasama c Frangy...
...tapos back sa usap daw kmi ni bert pareho daw kami umiiyak...
...tapos maya nasa muchos na nmn ako...
...tapos andun na d ko na alam kng san ako papunta hanggang sa mameet ko daw c jho pero tumakbo ako...(ang drama nmn!)
...tapos nabunggo ko daw isang tao...c drew kasama c zerlan pero indi daw ako sumama kay zerlan pauwi...
...tapos bigla nakita ko na dinala ni bert yung girl at pakilala sa parents nya tapos ung magiging apo...bog!ahehehe! sinuntok ng nanay nya c bert...pano daw nya nagawa sken un...(touching...singhot!)
...next scene...tulog na ako sa upuan nila drew with tears in the eyes pa...
...tapos col daw ni drew c bert tapos sabi ni bert gamitin dw ni drew cel ko para itx c ate na d ako makakauwi...
...tapos sunod c bert nasa tabi ko na daw pero tulog pa ako...
next...
"beeeeeepppppppp!!!"(ingay ng tricycle nakakainis!)
josko! alas otso kwarenta y singko na ng umaga...pagtingin ko sa mata ko...may luha...ahahaha! bad dream...bad imagination...ewan ko...indi ko alam kung ano ba tlga un...

ayan nagegets nyo na ba ung gus2 ko itanong?

Wednesday, January 23, 2008

Looking Back...

It seems I am so emotional this month. I miss a lot of people. I usually think of so many things, career, lovelife, friends, my goals, the past, everthing! I felt almost all emotions except anger. Hmm, pansin nyo I have wrote the Discovery Suite Days kasi namiss ko sina Tha and Darwin as well as my life last 2007 and my goals this 2008. What's going on? Kahapon naman habang kausap ko si Drew, namiss ko bigla ang Berks, my everdearest friends way back in College. Anu ba un? Kung anu-ano na lang pumapasok sa utak. Pero, pagbigyan nyo na muna ako ngaun. Okies?

I miss:
  • The simple yet napakasayang life nung College.
  • Open forums, overnight sa mga bahay bahay, mga kalokohan, tawanan, iyakan, awayan at ang lagoon moments ko with some of them(you know who you are guys.)
  • Dati absorber ako ng mga problema nila. At least I have my purpose sa berks na to. Kahit na paulit-ulit lang yung problem, ok lang, coz I see my worth as a friend.
  • Yung pang-aasar nila sken na lalaki ako na ako daw si Naldo na galing bilibid at maraming tattoo. Logic Queen daw ako kc mga out of this world ang hirit ko...in short mali-mali. Hahaha!
  • Yung drop call ng smart nun, jamming with Roll sa south wing at yung thesis days kng san san nakikitulog para gumawa ng thesis.
  • Pati yung telebabad ko sa bahay nila Tita Nene pag kausap ko ang berks ngaun kc wala na kaming landline.
  • Pinakanamimiss ko talaga yung time na kilala ko pa halos lahat ng berks. Indi man lahat but I can tell how some of them feel and think. Alam ko kelan sila masaya, nagkukunwaring masaya at di talaga masaya. I can give reasons kung bakit sila nagkakaganun at kung ano talaga totoo nilang reaction sa isang sitwasyon. I'm not saying na lagi akong tama sa iniisip ko but most of the time sumasakto naman. Ngayon sinu-sino na lang ba nagagawan ko ng ganun? Si Jho na lang yata.
Ngayon, we're walking on different paths, although sometimes we met, but only few walk almost the same path as mine. As a result, most of them, indi ko na nakakabonding and worst di ko na kilala. Di ko na kilala kasi when I heard a news about him/her, especially if it's a bad news, I need to hear the story first bago ko sila maintindihan. Dati i heard both sides at a time. Now, isa na lang kadalasan. So many changes took place for almost 3 years. Looking back at the happy moments make me sad but looking back at the bad moments make me laugh.

Berks pa rin naman kami ngaun but the bond, I think physically has loosen, but I know deep inside our hearts, the bond is still the same even years had passed and even a lot of changes took place.

Monday, January 21, 2008

First Photoshop Masterpiece

Photoshop is the most widely-used tool for editing photos. But I just learned to use it last year. Hahaha! Walang puwang ang salitang art at creativity sa utak ko. Kung ano lang maisipan kong gawin yun lang yun. Last August 2007, since petiks ako sa office, I installed Photoshop on my notebook and during my free time, I experiment some of my photos. Wala lang parang nasa mood lang ako paglaruan ung mga pictures sa computer ko.
stolen shot @ picnic grove
syempre d ako papayag na ako lang meron

Hmmm, mukhang magandang pag-ekperimentuhan to. So ayan ang ginawa ko pinagsama ko ung dalawang pictures.
Hehehe! yehey!!! feeling ko nun napakagaling ko na sa photoshop. Hehehe! Halata bang pinagdugtong? For me, this is my "First Photoshop Masterpiece". Why? Kc for the first time na-acknowlege ng isang magaling sa photoshop ang gawa ko. C Zerlan po ang tinutukoy ko. Dati puro panlalait narerecv ko mula sa kanya. Hahaha!

Nelda: "Zerlan luk mo. Ayus ba?"
Zerlan: "Ok lang. Pwede na!"


Ayus! hihihi! kahit na napilitan lang ung comment cge ok na un. Hahaha! wala lang nashare ko lang. Kc matagal na rin akong d nagpophotoshop. Yung huling gawa ko is nung birthday pa ni Drew. Ngaun wala na ako sa mood mag-edit ng photos. Kc nung huli kong try ang pangit ng nagawa ko.

Spot the flaws sa gawa ko. Makahanap walang premyo. hehehe!