Thursday, January 31, 2008

High School Love Story

...8 years ago...

Pababa ako ng hagdanan ng Sorsogon National High School sa bilding ng 3rd yr at 4th year(ciempre d mapipicture-out ng mga friends kong taga-Manila kc never nila alam kng ano hitsura ng skul ko dati). Ako'y isang mataba at mahiyaing estudyante sa campus so lagi ako nakatungo maglakad at nagmamadali pa. Tapos sa miminsang pagtaas ko pa ng mukha, nakita ko ang isang lalaking para sken ay napakamacho at gwapo(tall, dark and handsome...parang sa mga nababasa ko sa pocketbuk). Nawala ang puso ko sa kinalalagyan. Tumalon at indi ko alam kng san napunta.(yuck! corny!) Pero deadma kunwari.

...after several days...
Nakita ko ulet xa kasama nung isa sa mga nanliligaw sa kaklase ko dati. Inobserbahan ko xa ng palihim. Section 3 pala xa habang ako naman ay nasa section 1.

"hmmm, tahimik at ngumingiti lang xa...ano ba yun? indi ko man lang marinig magsalita."

Isang gabi, pauwi na ako galing sa pamimili sa Robertson, mag-isa lang ako naglalakad pero andami-daming tao kong nakakasalubong kc uwian na ng ganung oras. At mula sa malayo natanaw ko si Mr. Crush.

Dug! Dug! Dug! sabi ng puso ko...josko! nagpanic na nmn ang lola mo. "babatiin ko ba xa? ngingitian ko ba xa? or deadma lang....waaah! palapit na xa" feeling ko nang mga oras na yun tumigil lahat ng gumagalaw sa paligid ko at kami lamang ang naglalakad. (walang halong eksaherasyon to ha...pramis!)

Ano na ngyari? Wala pangiti na ang lola mo pero binaling nya sa iba ung tingin nya nung makakasalubong nya ako. Waaaaahhhh! hurt ako! d man lang nya ako pinansin. "eh cno nga ba nmn ako para pansinin nya" grrr!

Dumaan ang mga araw, Ako'y laging palihim lamang tumitingin at walang nakaalam sa mga kaklase at kaibigan ko. Indi ko kc ugali magsabi lalo pa't alam kong mapapahiya lang ako.

Hanggang sa dumating ang DAMATH contest. Lahat kami pinasali ng aming guro sa matematika at ako ang nanalo para makipagcompetisyon sa ibang section. Marami ang sumali pero dala-dalawa lang ang lumalaban. Kung sino manalo xang lalaban sa nanalo dun sa kabilang grupo. Masayang-masaya ako ng makarating ako sa finals.

"Ang maglalaban para sa final round ay Section 1 at Section 3. Magsipunta na sa unahan ang mga maglalaban."(syempre bikol ang language)

Clap! Clap! Clap!


"OMG!!! C Mr. Crush ang kalaban ko?! Josko! Ano gagawin ko? Kelangan ko manalo para maimpress xa sken. No matter what kelangan kong manalo!!!"(nelda in panic mode...nagbablush pa) "Nelda inhale exhale! Kaya mo yan" sabi ng maliit na tinig mula sa aking isipan pero halos d ko na yun marinig sa lakas ng tibok ng puso ko.

Nagsimula na ang laro. Shake hands. "Nyaaak! Nakakahiya nagpapawis kc ang kamay ko." Tumagal na ang laro at malayo na agwat ko sa kanya. Yehey! Mapapansin na rin nya ako kc matatalo ko xa. Buong game nakatungo lamang ako. Nung patapos na tsaka ko xa tiningnan, eh tumingin din xa sken. "Ngaaak!" (kaba kaba kaba) tumira ako yes! isa na lang chip nya ako 3 pa.
Laking gulat ko nung bigla xang tumira at pinakain sken ang napakataas na positive chip laban sa pinakamababa kong chip. Waaaaaah!!! D ko napansin na d ko pa pala naititira ung pinakamababang chip. To make the long story short, natalo po ako. :(

"Congrats! tooottt!" (syempre d ko sasabhin name baka mabasa ng mga dati kong kaklase eh) "pasalamat ka d ko napansin un..hehehe!"(feeling close nmn ako!)

"Nice game! Muntik mo na ako matalo. Salamat." -Mr. Crush
(shake hands. blusshing na ako kaya tumalikod na ako bitbit ang DAMATH board ko)

Lutang pa rin ako naglalakad sa gitna ng lawn ng skul nmen ng maya maya...

"Nelda!!!"

"Huh?! Cnu tumatawag sken?"

Paglingon ko si Mr. Crush tumatakbo papalapit sken. OMG! ano kaya ngyari?

"Kaynano?" (bkit sa tagalog)

"Nice to meet you pala. Sabay na ako pabalik."

"Nice to meet you din. Hehehe! Cge."

Josko! Para gus2 ko na magevaporate. Buti na lang dumating ung isa nyang kaklase. kaya sabi ko

"Inot na ako." (Mauna na ako)

"Cge. Ingat"

"Ingat man."

Lakad na ako pero d ko napigilang lumingon. Ehehe! Huli kaw! D pa pala sila nakakaalis buti na lang nauna xa kumaway. Kumaway na rin ako.

Simula nun pag nakakasalubong ko xa sa daan, same pa rin tumitigil pa rin ang mundo ko pero d na nya ako deadma. At nung graduation ball na nmen, buti na lang naisipan ng kaklase kong kuhanan kmi ng litrato. By the way, never kaming naging close friend. Ngiti lang tlga ang batian namen.

...isang buwan ang nakalipas...
Nabalitaan ko na lang na boyfriend na xa ng isa sa mga kaklase ko. Hayyyz.

Why ko naisipan na magkwento ngaun? Kc nakita ko ung picture nya kagabi habang inaaus ko yung mga litrato ko nung Hiskul.

6 comments:

  1. Ayus sa pangalan sa store a, "Robertson". Lagot ka kay bert!

    ReplyDelete
  2. oo isa DAW yan sa mga pag-aari ng Robinson...pag nasa probinsya ata Robertson na lang. Hahaha! D naman ako lagot kay bert, alam nya yan, halos lahat yata ng crushes ko dati alam nya..hehehe!
    jho may link na ang name mo ah...hehehe!!tama yan ipromote c multiply.

    ReplyDelete
  3. Parang store sa US noh? Robertson! hehe...
    nice story neldz...ramdam na ramdam ko yung kilig mo kay Mr.Crush.. patingin ng pix nya, nacurious naman ako haha...ano kaya masasabi nya pagnakita ka nya ngayon na kulot ka na hahaha...
    naalala ko tuloy nung grade 4 ako.. wala ka sa akin... sinabi ko talaga sa crush ko na crush ko sya... haha san ka pa?! haha

    ReplyDelete
  4. ay cge minsan dalhin ko nga...kaya lang d xa gwapo sa picture eh...iba pa rin dating nya sa personal.. hihihi!

    waw! grade 4 ka pa lang nun ha..ayus! kumekerengkeng na...hahaha! kunsabagay ako din grade 2 may crush na ako pero secret lang nmn un.. at least may masaya at nakakatwang moment nung bata ka pa...

    ReplyDelete
  5. oh my god. i love your story. although it's a bit sad, may kilig factor pa rin :)
    naka-relate po kasi ako :)

    ReplyDelete
  6. Maganda ang love story mo.

    ang sitwasyon natin ay may pagka hawig.

    nalungkot lang ako sa huli na nangyari sa inyo ng mr.crush mo..

    ReplyDelete