Thursday, January 3, 2008

Christmas 2007 @ Pampanga

My only regret on this occasion is NOT BRINGING A CAMERA!!! Grrr!
It was my first Christmas spent in Pampanga and my first time to visit the piggery and the newly bought land of my tito.

Day 1(Dec 24):
We arrived in Pampanga @ 9pm. Isang baranggay kmi sa dami nmen pumunta dun. Hahaha! Tita Ana and two kidz, Tita Tonia and Carlo, My parents and sisters, 12 na kmi lahat plus si Tita Nida at Jason na xang sumundo smen sa Manila papunta sa kanila. Creepy maxado sa gabi ung way papunta sa kanila pero pansin na pansin yung pagiging maalikabok at lubak lubak na daan. Pagdating namen dun yung gate ay malayo sa mismong bahay. Wow! kahit na d pa ganun katapos yung bahay na yun mas ok pa nman kesa sa bahay na inuupahan nmen. Walang doorbell so magbibased na lang ng mga tao sa loob kng may tao sa gate sa tahol NG MGA aso at kung sisigaw ka ng "TAO PO!" Hehehe!
Nakakauhaw yung byahe so una ko hinanap is tubig. Glug! (bkit iba lasa?) Glug! ulet! (iba nga lasa matamis-tamis). Yeah lasang probinsya ang tubig...although i grew up in a province but i seldom taste a sweet water unless pumunta ako sa bundok. I know, from that time na uminom ako ng tubig, macoconstipate ako this christmas. Hahaha! Looking around the house, napapangiti ako sa mga kurtina. Resourceful at creative tlga ang Tita ko. Yung plastic na napopop kng san nilalagay ung mga terminal sa opis, yung pantanggal ng stress nmen sa opis, gnwang kurtina ni tita. Hehehe! And she got mad at me pag pinapaputok ko yung mga yun.
Simple lang Noche buena nmen dun, tilapia(as i have requested), cake, adobo at pansit at konting kwitis. Yung gift na-advance na sa Maynila pa lang. Syempre papag lang higaan nmen at sobrang tawanan sa paghahanap ng mahihigaan kc it can't accommodate us all. Pero nagkasya kmi lahat mukhang sardinas nga lang. Buti na lang malamig dun.

Day 2(Dec 25):
@7am ako na lang ang tulog. Pero natulog pa rin ako kahit na yung iba nagpeprepare na papunta kina Tito Noli(it's just an ilog away). Pag gising ko una ko agad hinanap yung sinasabi nilang MGA kambing dun but i haven't seen one kc umalis na dw. Gumala na dun sa kabilang bukid mayang hapon pa dw balik ng mga yun. So dumiretso na lang ako sa piggery. Wow! Ang lalaki ng baboy at ang dami 20 - 30 baboys kc nabenta na dw yung iba. At sosyalin ang inuman nila. Each baboy has it's own gripo na lalabas ang tubig once madiinan ung isang maliit at maigsing metal dun. Malinis xa in fairness, d mabantot, pano ba naman 3x a day nililinis at puro feeds ang kinakain. Lumaki dn kc ako na may baboy sa bahay pero 1-3 baboy lang.
@9am nagulat kmi kc c papa dumudugo kamay kinagat dw xa ng bayawak. That large lizard was caught by Tito Noli and put it in a drum. Then nung ilalagay na xa sa sako, kinagat si papa kc nmn 1 week na pala d kumakain un. Ayun dahil dun pinatay ang kaawa-awang bayawak. Dapat sana aalagaan xa ng Tito ko. Then umalis na kmi, crossed the shallow river na walang kabatu-bato...puro buhangin pero may konti xa amoy. Mahirap maglakad pala sa ganun kc lumulubog paa. Naunahan pa kmi ng mga aso, ang gagaling lumangoy sa ilog. Dito nga pala nahuhuli ung bayawak. Masukal kc yung lugar eh.
At last we arrived sa Nipa hut ng tito ko. De poso tubig dun at ang layo ng tindahan sa kanila. One time nung bumili ako may 2 kambing sunod sken akala ko kambing nila tita so hinayaan ko na. Till pabalik ko sunod pa rin cla. The 2 small kambing ay d naman pala kambing nmen. Dun pala yun sa kapitbahay.

Bayawak Experience:
First time ko makakita ng bayawak nun. kamukha nya ang buwaya except smooth yung spine nya. I witnessed kng pano niluluto ang bayawak. Bubuhusan muna ng mainit na tubig den tatanggalin ung first skin(parang kaliskis sa isda). Ewww! d ako kakain nun makita ko lang ung design ng balat d tlga ako kakain. Pero sabi tito lasang sawa lang un at mas masarap pa sa chicken. I recalled the tase of sawa, eh lasang chicken un. *lunok* tapos ihahalo dw nya yun sa ginataang malunggay. Eh paborito ko un, waaah! So ginawa nmen ni ate tinanggal nmen ung isa pang skin para matira yung white meat. Ayan anjan na, niluto xa kasama ung ulong kamukha ng sa butiki. Ewww! In the end kumain pa rin ako, nacucurious dn kc ako sa lasa eh. Yummy! ang sarap pala tlga ng bayawak. Hehehe! This was such an exotic Christmas!

Piggery Experience:
Since nalasing ang tito ko, ala maglilinis at magpapakain sa baboy so i volunteered to help tita in doing it kc gawain ko nmn yun before. Josko! ang hirap pala nakakapagod maxado sa dami ng baboy dun, kalahati lang nalinis at napakain ko. Ang sakit sa likod at nangamoy baboy pa raw ako kc naglaro pa kmi ng mga pinsan kong bata sa loob.

Wonder of Kambing:
Pag labas ko ng piggery, I saw this soooper daming kambing parang nagpuprusisyon. I yelled at my Tita coz I thought they are the kambing in the house. Ngek! Di pala kc accdg to Tita yung mga kambing nila sa front gate dumadaan at indi sa back gate at d pa dw yun oras ng uwi nila kc 4pm pa lang.
Nelda: Tita sino nagpapastol ng kambing?
Tita Nida: Wala. Every morning pinalalabas lang nmen sila.
Ate: San sila nakakarating?
Tita Nida: Dun sa kubo sa bukid. (eh ang layu-layo nun) At 6pm magiipu-ipon yan jan sa gate kaya dapat mamaya 5:30 buksan na yung gate s harapan.
Ate,Nelda at Dimple(amazed): Grabe nmn! ang galing nmn ng mga kambing na yun

@6am nakalimutan nmen buksan ang gate at nagsitahulan ang mga aso. Wow! andaming kambing nag-ipun-ipon sa harap. Pagbukas ni tito ng gate aba isa isa na nagsipasok at tuluy-tuloy dun sa tirahan nila. Di kabisado ni tita hitsura ng mga kambing nila. Binibilang lang nya yun at nagbibase lang xa sa kung saan yun dumadaan at oras ng uwi nila.

Whew! Ang saya ng Christmas ko sa Pampanga. I have experienced again the life in a province. Kahit na nahirapan kmi sumakay pauwi ng Maynila nung 25, still sobrang saya pa rin nmen pagbalik ng Maynila.

2 comments:

  1. Neldz! Sobrangnatuwa ako sa entry mo na ito.. mula sa sweet water, sa late na paggising, sa kambing na pagaari ng kapitbahay ng tita mo na sumunod sayo, sa bayawak na kumagat sa tatay mo at ayaw mo kainin, pero kinain mo nman at nasarapan ka pa... sa piggery na nilinis mo hanggang managmoy baboy ka.. sa mga kambing na namiss mo nung umalis sila, pero muntik nyo ng hindi mapauwi sa bahay nila..nakakatuwa talaga.. sobrang buhay probinsya talaga yung naexperience mo... laking province din kase ako... kaya nakakarelate ako sa kwento mo... kung nagenjoy ka, nagenjoy rin naman talaga ko sa kwento mo... btw sa pampanga rin kame nagpasko, twice na, since nag-asawa ko...may piggery rin yung lola ni ralph, pero dun ako nagfocus sa lutong baboy na kinain namin eh hehehe.. lam mo naman ako, pagkain muna b4 anything else haha..

    ReplyDelete
  2. wow! salamat at tyinagaan mong basahin ang napakahabang blog ko...hahaha! oo probinsyang probinsya tlga un, san kau sa pampanga?

    ReplyDelete